BLOG MO, IPASUOT MO: Ang Unang Sabak.

Ayos. Masasabi kong naging isang napakatagumpay na proyekto ang natapos noong linggo. Pero paano nga ba nangyari ito? Sige, ikukwento ko sayo. Mula sa simula.

Nagsimula lang ang lahat sa simpleng ideya ng isang blogger na bihisan ang mga batang Pilipinong kapos ng maaayos na damit. Itago na lamang natin sa pangalang JH Alms. Nasundan ng mga magagandang ideya mula sa iba pang bloggers dito sa Tumblr. Nagkaroon ng Facebook Group at nabuo ang isang hiwalay ng blog na inilaan para sa proyekto.

Lahat ‘yun nangyari sa loob ng isang araw.

Sa loob ng isang linggo ay dumami na ng dumami ang miyembro ng FB Group. Maraming mga magagandang ideya ang umagos mula sa mga miyembro. Kaya lang, medyo naguluhan ang mga may pakana dahil sa dami ng umaagos na ideya. ‘yung ibang ideya naman parang hindi naman seryoso. Naging maingay sa loob ng grupo at magulo na. Sinubukan nilang mag-botohan para sa mamumuno. Hiningi nila ang tulong ng mga kasapi para sapagkakahati-hati ng gawain pero parang lalong gumulo dahil sa pagtuturuan. Napansin nilang parang wala nang pinatutunguhan ang usapan kaya nagdesisyon na lang sila, na sila na mismo ang mamuno proyektong sila rin naman ang nagbalak.

Lumipas ang ilang araw, tumahimik na ang grupo. Naging malubak ang nangyaring mga kaganapan noon dahil maging sila ay hindi talaga alam ang gagawin. Hindi na nila makuhang ng tulong sa grupo dahil naisip nilang mas maayos kung sila na lamang ang magdesisyon. Mahirap rin naman kasing magtalaga ng mga taong maghahawak ng pondo kung hindi mo pa nakikita kung sino ang itinatalaga mo.

Nagkaroon ng ilang pagpupulong na naganap sa mga mall ni Henry Sy. Noon nila nakilala ang iba pang bloggers na dumalo. Itago na lang natin sila sa pangalang Joleah at Jaypee. Si Joleah ang nagbigay sa kanila ng ideya  kung saan ang mga lugar na maari nilang paghatiran ng mga damit. Hindi rin nila alam kung anong gagawin kapag naroon na sa lugar kung saan mamimigay ng damit. Hindi rin nila alam kung ilan ang mga batang bibigyan ng damit. At higit sa lahat, hindi rin nila alam kung sapat ang madadala nilang damit. Buti na lang dumating si Jaypee noong huling pulong. Nagkaroon sila ng ideya na magpalaro sa mga bata. Ang orihinal kasi na balak ng mga may pakana ay, kung sino lang ang makita nila ay bibigyan lang nila ng damit. Tapos? Tapos na.

Nabuo na ang plano at nagkita-kita sila/kami sa kainan ni Mang Donald sa Pedro Gil. Nadagdagan rin noon ang tropa. Dating si Julyan(iyakinsisugar) at Dwayne(sentidokomon) ng Tumblr, at Madz(itsmadzday2day) ng Blogspot.

xXx

Ayun ang naging kwento. Medyo mahirap ang proseso pero sobrang saya naman ng kinalabasan. Maraming mga nakakatuwang kaganapan noong makarating na kami sa Linear Park. Gaya ng sabi ni Joleah sa post niya. Nang dumating kami doon ay walang bata kahit isa. Buti na lang at naroon din si Dwayne na naghanap ng bata para mabigyan ng damit. Heto sila.

Hindi ba’t ang saya nila? Ang kukulit nitong mgakutong-lupa na ‘to, pero nakakatuwa yung kulit at hindi nakakainis. Nasobrahan ‘ata sila sa  naipong lakas kaya maghapong hyper ang mga bata. Nakakatuwa talaga noong naglalaro na sila. Kaunting silip na lang sa mga naikwento na ng iba kong kasama.

Tinanong ni Teacher Joleah ang mga bata kung anong lalaruin. Anong sinagot ng mga bata? Soccer daw sabi ng mga munting Azkals kasunod ng batang sumisigaw ng.. boksing! Tawa kami ng tawa noon. Ang bibibo kasi ng mga bata eh. Sa huli si Teacher Joleah rin ang nagdesisyon sa larong lalaruin ng mga bata.

  • Unang Laro: Dodgeball o Tatsingbol (Ito ang tawag sa laro na ‘yun noong bata pa ko.)

Si Titser Joleah na may hawak nang bola, ay naghahanap ng bola. Ang labo ‘no?Matigas daw kasi yung bola ng volleyball at baka masaktan ang mga bata. Sabi ko naman, “Sanay naman siguro sila dyan sa bola na ‘yan kasi laruan nila yan eh.” Tapos nagsimula na. Di mawala ang ngiti sa mga labi ko sa panonood ng mga bata na animo’y papel na lumilipad at nagpapaikot-ikot sa ere. Literal. Walang biro. Parang ninja.

  • Pangalawang Laro: The Boat is Sinking – Walang Kai-kaibigan Edition (Ayon kay Joleah)

Habang nagsisisigaw si Titser Joleah sa kung ilan sa bawat grupo ang makaliligtas sa paglubog ng barko sa kanilang imahinasyon. Kanya-kanyang laglagan naman at tulakan ang mga bata, makaligtas lang. Ang galing! Walang plastikan.

  • Pangatlong laro: The Boat is Sinking – Teenie Weenie Editon

Dahil masyadong naharrass ang mga batang sobrang liliit sa pangalawang laro. Naisip ni Titser Joleah na paglaruan paglaruin sila ng hiwalay sa mga malalaki. Ayun. Di ko alam kung may nanalo o hinati na lang niya yung premyo sa mga nakasali.

Nang matapos ang palaro ni Titser Joleah ay hindi pa rin dumarating ang binili naming pagkain. Mukhang gutom na ang mga bata kaya minabuti naming ibigay na agad ang mga damit. May kalakip rin kasing kendi at iba pang pagkain ang mga t-shirt. Medyo natagalan pa bago ako tinawagan ng binilhan naming tindahan para sabihing nasa gate na raw ng liwasan(park) ang kanilang nagapaghatid.

Pagdating ng pagkain ay pinapila ni Titser Joleah ang mga bata at isa-isang binigyan ng pagkain. Nagtawag ng mangunguna sa pagdarasal na hindi naman agad namang may nagpresinta. Nagdasal sila at nang matapos ay nagsimulang kumain. Hindi ko sigurado kung nabigyan lahat pero may sumobra pa sa hinandang pagkain.

Sa di kalayuan naman ay napansin ko ang isang binatilyo na pinaliligiran ng iba pang bata. Halos madurog ang puso ko nung makita kong hinati-hati niya ang hawak niyang tinapay upang ipamahagi sa mga mas maliliit pang bata. Gusto ko sana siyang bigyan ng gantimpala para sa ginawa niya kaya lang wala na talagang natira sa’kin.

Natapos ang unang sabak na parang kulang pa rin.

KULANG ANG ARAW NA ‘YUN PARA SA SAYANG AKING NADAMA.

Sa pakiwari ko’y ayaw ko nang matapos ang araw na ‘yon. Sobrang saya ang aking nadama nang makita ko ang mga ngiti sa mga batang tila ba tuwang tuwa sa simpleng bagay na aming ginawa. Nakakatuwa. Nakakapagpagaan ng loob. Bigla kong naaala ‘yung dalawang batang babae na humawak sa magkabilang braso ko noong namimigay kami ng damit. Matagal lang silang nakahawak sa na para bang ayaw bumitaw. Sinabi nila na nag-aaral daw sila. Sinabi nila kung saang paaralan pero hindi ko na natandaan. Di rin kasi ako pamilyar sa mga eskwelahang nasa lugar na ‘yun. Nakalimutan ko na rin ang iba pang sinabi nila, pero ang mga natanaw ko ng ngiti sa kanilang mga labi, palagi kong babaunin ‘yun sa bawat sandali.

LALO NA ANG MGA ITO.

OHA! SAAN KA PA DI BA?

Sa mga gustong makaranas ng ganitong kasiyahan, naku. Wag ka nang magalinlangan pa. Makipag-ugnyan ka lamang sa’min. Makipagkaibigan. Magipon para sa mga bata. Makakatulong ka na, tiyak pa ang kasiyahang makukuha.

Heto po ang mga links patungo sa aming mga pahina:

http://blogmoipasuotmo.tk/

http://blogmoipasuotmo.blogspot.com/

http://blogmoipasuotmo.tumblr.com/

http://www.facebook.com/blogmoipasuotmo

Maraming salamat tsong! Sana makasama ka na namin sa susunod.

Ayos! Para sa mga bata..

11 Responses to BLOG MO, IPASUOT MO: Ang Unang Sabak.

  1. bagotilyo says:

    congratulations sa iyo Paq at sa lahat ng naging parte nito.
    :)

    sana sa susunod makasama ako..haha

  2. J. Kulisap says:

    Astig!

    It’s more fun in the Philippines dahil sa mga kagaya ni PaQ at ng mga nagpasimuno.
    :)

  3. duking says:

    more power pabs!

  4. MD says:

    Kahusay.. Sana mas marami pa kayong mapasayang bata!

  5. Sama ulit ako sa susunod. :)
    -Poi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.