Sulat #16

Ikaw,

Napakalaki ng naging kasalanan ko sa’yo. Kasalanang maaring makapagpabago ng isip mo. Ngunit hindi ganoon ang iyong ginawa. Sa halip ay tinanggap mo akong muli ng walang pag-aalinlangan. Inaamin ko na maging ako’y hindi inaasahan ang ginawa mong ‘yun. Pero ipinagdarasal ko na sana nga ay magkagayon. Alam kong masakit para sa’yo ang aking ginawa. Alam kong hindi ko dapat ito ginawa. Hindi ko na rin dapat pa sinabi sa’yo ang totoo, pero hindi naman talaga kayang itago ang bagay na ito. Tawagin mo akong gago. Ipagtabuyan mo ako palayo sa tabi mo. ‘Yung tipong, “Tangina mo, lubayan mo na ako! Wala kang kwenta at sinasaktan mo lang ako.”.

Alam kong hindi ako nararapat dito. At mas alam kong hindi ko kayang suklian ang pag-ibig mo. Hindi sapat ang pag-ibig na kaya kong ibigay. Pagmamahal na handa kong ialay. Sino nga ba ako para ikulong ka sa bagay na ayaw mo. Sino rin ba ako para ipilit ang nais ko. Ang nais kong pangitiin ka sa araw-araw. Ang kagustuhang sa pagmulat nng mata ay ikaw ang unang matanaw. Ayaw kong mahirapan ka, at kung ako ang dahilan nito ay mas mabuti pa, mas mabuti pang tapusin na lang ang lahat. Ang lahat nang dati hindi ko naman hinangad. Ngunit ipinagkaloob mo ng buong puso at tapat.

Mahal kita noon at mahal pa rin kita ngayon. Siguro nga ay malupit lang talagang magbiro ang panahon.

(sgn) PABLO QUADERNO

PS: Maulan na naman sa labas. Malamig at maalinsangan. Nakalulungkot ang simoy ng hangin. Ang sarap magmura.

2 Responses to Sulat #16

  1. bagotilyo says:

    bagay sa last line ay ang sarap magmura P*tang in*

    hehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.